Sumulat ako ng libro mahigit apat na taon na ang nakalipas. Malaki sana ang potential na kumita ng milyon-milyong salapi, kumuha ng maraming awards, papuri at magbabago sa pananaw ng masang populasyon. (joke lang). Bakit hindi nailimbag(lalim... na published na lang)? Pinili ng awtor (ako) na tumahimik ang kanyang buhay... makasama ng pamilya. Kumita ng tama lang, lumayo sa kasikatan at karangyaan. (Sa totoo lang natakot lang talaga ang awtor.) Noong kasing natapos ang libro at bago ito iimprinta kumuha ang ako (awtor) ng reaksyon sa mga eksperto, akademiko, politiko, dorobo, "environmentalists" at sikat na mga manunulat. Ito ang kanilang reaksyon... "Blasphemous!! Walang respeto sa maylikha..." - Sister Stella L., Diocese of Malampaya "The author is totally insane..." - Dr. Maximo Alvarado, Pamantasan ng Pilipinas "Walang maniniwala dito... kalokohan! dapat isama ang librong ito sa Joke section ng mga bookstore.." - Tito, Vic and Joey Solomon, UN volunteers "wala tayong kita..este mapapala dito.." - Sen. Cabalfin, Pugad Baboy "This is environmentally destructive..." - Atty. Gloria Chan, Environmentalist "Bata, wala kang kikitain sa librong ito kahit singko. Walang publishing company ang papatol dito..." Joaquin Mercado, manunulat/peryodista "Wow, amazing na libro... ito maganda, walang sikat, walang mahirap hehehe..." - Boy Pana, Tambay.