Teaser Isang larawan ng masayang pamilya sina Enrico at Mabel. Ang karangyaang tinatamasa ng mga ito ay pinamana pa nang mga yumaong magulang ni Enrico. Bagamat ampon ito ay sa kanya lahat napunta ang ari-arian dahil legal naman ang pag-adopt sa kanya. Sa mahabang panahon ng pagsasama ng mag-asawa ay anak nalang ang kulang, ngunit hindi yata sila maswerte sa pagkakaroon nito kaya't ang mansion ay nagmistulang mapanglaw, tahimik, at madilim na animo'y may bumabalot na lihim sa nalalapit na lagim. Sina Jocelyn, Allan, Claire, at Anne, ano ang naghihintay sa kanilang kapalaran? At ano ang kaugnayan nila sa mansion? Abangan!