Phr Imprint Published in 2006 ENGAGED na si Ayanna nang una silang magkita ni Kiel. Ikinatakot niya ang inisyal na attraction dito dahil ikakasal na siya. Kinonsola na lang niya ang sarili na mawawala rin ang nararamdaman niya para kay Kiel. Halos nakasisiguro na hindi na sila magkikita. Kaya lang, nang sumunod na taon ay dinala siya uli ng mga paa sa lugar kung saan sila unang nag-meet ni Kiel. Nadatnan niya na naghihintay ito roon. Lalong tumindi ang atraksiyon na nararamdaman nila para sa isa't isa. Ang kaso, ilang araw na lang at ikakasal na si Ayanna sa kanyang fiancé. Kailangan niyang pumili. Ang security sa piling ng nobyo niya nang apat na taon, o ang intense attraction para sa isang lalaki na kahit kilala sa pangalan ay estranghero pa rin sa kanya? Pinili ni Ayanna ang inaakala niyang tama. At dahil doon, secretly, nagdurusa ngayon ang kalooban niya sa bawat taon na magkikita sila ni Kiel sa lugar na iyon. Saan lulugar sa kasalukuyang mundo ang pag-ibig na nararamdaman nila para sa isa't isa?
10 parts