LOVE TEAM
  • LECTURAS 336
  • Votos 6
  • Partes 2
  • LECTURAS 336
  • Votos 6
  • Partes 2
Continúa, Has publicado mar 23, 2014
“I love you, Kath. Alam na alam mo yan, at alam na alam na din yan ng buong mundo. Lagi ko naman yun pinangangalandakan and pinaparamdam. Dito lang ako palagi para sayo. Isang tawag mo lang sa pangalan ko, magte-teleport na ko papunta sa puso mo.”  Daniel said as the cameras in the studio focused on us. 


Another interview for my 18th birthday is being held. Everyone’s excited for me. Lahat masaya para sakin- mga kaibigan ko, mga fans, mga boss, at  ang pamilya ko. Sabi nga nila, ang layo na ng narating ko, from “Bulilit” to “Teen Queen”. Ang daming nagsasabi na ang bata ko pa pero successful na ko. Nasa akin na daw ang lahat ng hihilingin ng mga babae at beki na ka-edad ko. I have the fame, fortune, friends, family, faith and most of all- love. Love daw sa katauhan ni DJ. Ang saya diba? I could not ask for more. No one could ask for more… If only everything about DJ and I are true. Kung totoo lang sana ang “reel and real” life namin. Kung totoo lang sana na LOVE TEAM talaga kami sa totoong buhay- ako na siguro ang pinaka masayang babae sa buong universe. Kung totoo lang sana na mahal ako ni DJ. 


“And cut! Okay that’s the end of the interview. Pack up na!” Sigaw ng production head. 


Tapos na ang interview. Tapos na ang palabas. Tapos na naman ang “pagmamahal” sakin ni DJ. Ako kaya? Kailan matatapos masaktan sa love team namin?
Todos los derechos reservados
Regístrate para añadir LOVE TEAM a tu biblioteca y recibir actualizaciones
or
#877daniel
Pautas de Contenido