Mahal kita.
Dalawang salita na madaling sabihin ngunit napakahirap iparamdam at gawin. Maaaring napakahirap gawin, gayunpaman marami pa rin ang nabubulag sa mga salitang ito. Ang masabihan ng salitang ito ay napakasarap sa pakiramdam lalo na kung sinsero ang nagsabi nito.
Ang katagang pinakahihintay ng lahat na marinig mula sa mga taong kanilang minahal, minamahal at maging marahil sa kanilang mga mamahalin sa hinaharap.
Ang mga salitang nakakapagpatigil sa tibok ng puso ng karamihan at kayang maging dahilan ng pagpapatuloy ng buhay.
Gayunpaman, kasabay ng masayang pakiramdam ay ang kaakibat nitong lungkot. Hindi na yata mawawala ang lungkot sa tuwing nakakaramdam tayo ng saya. Lungkot na nararamdaman natin sa tuwing hindi umaayon sa gusto natin ang kasayahang minimithing makamtan.
Ang pagmamahal ay parang gulong. Minsan nasa taas tayo, minsan ay nasa baba tayo. Minsan naman ay maayos at kuntento tayo sa dinaraanan natin, minsan naman ay magulo at mahindi tayo kuntento sa dinaraanan natin dahil hindi palaging nasa maayos na daan ang lalakbayin natin mayroon din na lubak lubak. Pero mapagtatanto natin na, sa iisang daan lamang tayo dumaan.
Minsan masaya tayo na kasama sila, minsan naman ay nasasaktan tayo. Minsan ay maayos at kuntento tayo sa takbo ng relasyon, minsan naman ay hindi dahil hindi palaging kunteto tayo at masaya. Palaging nandiyan ang problema at paulit-ulit tayong hahamunin sa ating paglalakbay. Pero mapagtatanto natin na kahit ano pa man ang gawin natin iyon at iyon parin ang tinatahak nating daan.
Hindi ba ay marami ang nabubulag sa dalawang salitang ito?
At masaya akong ipaalam sa inyong lahat na isa ako sa maraming iyon.
Isa ako sa mga nalito sa pagitan ng dalawang tao sa aking buhay.
"I don't deserve you, yet."
By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary.
"Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day you left me" mapait kong wika. This is the only way.