Dear Diary,
Ako si Sana, Sana Villarama. Ang weird ng pangalan ko diba? Ewan ko kung bakit ganito ang ipinangalan sa akin ng parents ko pero so far, so good. Nae-enjoy ko kasi yung pangalan ko, nabibigyan ng hugot ang mga salita gaya ng "Sana lahat, nag mamahal." O kaya naman "Sana hindi ako naging tanga, edi sana hindi ako nasasaktan." Mahilig akong mag sulat ng kung ano-ano kaya tulad ngayon, naisipan kong bumili ng notebook para may mga ala-ala akong maiiwan kung sakali mang dumating ang oras na pinaka hihintay ko.
Hindi ko alam kung hanggang saan aabot, o kung mapupuno ko ba ang kwadernong ito. Pero sa ngayon lulubusin ko na hangga't kaya ko pa, dahil ayokong dumating ang araw na pag sisihan ko ang lahat.
Sana isa akong normal,
Sana nag aaral pa ako,
Sana hindi ako nahihirapan,
Sana tumagal pa,
Sana.....
Ito ang aking kwento, gawin nating makulay kahit hanggang sa diary lang ito.
Lubos na umaasa,
Sana Villarama
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG]
STATUS: COMPLETED
Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would certainly do everything to have one as his own ngunit ang problema eh hindi niya kayang kumain ng tahong. Sa puso niya isa siyang reyna ng mga unicorn at mamatay sa ngalan ng bahaghari. Sa di inaasahang pangyayari siya ay naging instant mommy sa isang kyut na chikiting na nasagip niya mula sa mga goons na humahabol dito.
Makakaya kaya niyang maging motherhood sa isang bulilit? Paano kong isang araw kumatok sa pinto niya ang ubod ng gwapong lawyer at magpakilala bilang tatay ng bata? Makakaya kaya nilang malayo sa isa't-isa?
Book cover made by: @IThinkJaimenlove/ Jaime Kawit