It's been 10 years nung bigla nalang akong magising na lahat ng nasa imagination ko ay parang naging totoo. No scratch that , talagang TOTOO pala. Vampires, Fairies, Werewolves. Aba't akalain mong dito meron nun? Akala ko manananggal, tikbalang, dwende, mangkukulam lang meron, at take note hindi pa sila on the spot nakikita dito . 9 years old ako ng bigla silang maglitawan lahat at gustong makisama sa lahat ng living things dito sa Earth. At may ilang taon bago nakumbinsi lahat ng tao na harmless sila kung harmless ka. At isa sa mga nagbigay ng tiwala ang tao dito sa Pilipinas. "Hoy tigilan mo yang pag de-day dream mo. Masama sa health yan" batok sakin ni Dave kaya napatingin ako sakanya. At eto sya. Ang aking best friend, sa one month simula nung malipat ako sa school na to iniisip ko parin kung pano kami naging mag best friend. And yes, isa sya sa supernatural beings. Isang Vampire, heir daw sya nung Oven- "Kapag oven na naman yang iniisip mo ihahagis talaga kita! . Coven nga kasi ang tawag dun!" "Wala akong iniisip!" "Don't lie Mylle , sa tingin mong yan ? Na para kang nakakita ng fresh bake Brownies? " "Hindi nga kasi" "Kapag talaga isang Oven pa kahit sa isip mo lang. Sasabihin ko lahat ng alam ko sa future mate mo!" Banta nya sakin. Mate. Right. Uso ang Mate or Soulmate sakanila. Kapag nahanap mo yung mate mo sakanya ka lang talaga. Pero habang Hindi pa syempre yung iba landi landi muna . At nasabi ko ba? May lahi akong Fairy . yeah. Fairy without wings .All Rights Reserved