Ordinaryo. Iyon si Rosalinda. Hindi maganda, hindi rin naman pangit. Iyong tipong kapag hinalo mo sa isang tumpok ng tao, magbe-blend. Maliban sa histura, ordinaryo din ang kanyang buhay. Isa lang ang gusto niya, ang umasenso at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang Inang at Itang. Pagod na siya sa payak. Sa isang kahig, isang tuka. Minsan pa nga, dalawa ang kahig, isa lang ang tuka. Hindi patas ang buhay. Kailangan niyang magsumikap, lumayo, pumunta kung saan maraming oportunidad para umasenso. Lumaban. At isa lang din ang problema. Hindi siya pweding umalis ng Nayon. Kapag itinuloy niya. Malaking gulo. Masisira ang samahan. Magugulo ang itinakda. Mawawalan ng balanse. Mananaig ang masama sa mabuti. Maninibugho ang sang-sinukob. Maraming mamamatay.