"Ano ba yang mga pinagsasabi mo?" Tinulak ko siya papalayo. Bakit ba ayaw niya lang ako pabayaan? Ayaw ko na. Tama na please."No, Trisha. List--" "Luke. May sarili kang mundo. May sarili akong mundo. Pareho tayong may Sariling mundo. Pero Luke, iba ka. Iba ka sa akin. So please, kalimutan mo na ang lahat. Please?" Malapit a siyang tumulo. Hindi. Wag. Hindi niya Dapat makita na iniiyakan ko siya. Hindi pwede. Baka Isipin niya na hindi ko rin Ginusto Ito. Pero Ito ang Dapat. Hinawakan niya ang dalawa kong Braso gamit ang kamay niya. "Trisha." Tumingin ako sa kanya pero umiwas din. Maiiyak lang ako. "Oo nga. Oo nga na Magkaiba tayo ng mundo. Magkaiba tayo ng buhay. Pero Trisha. Ikaw nag buhay at mundo ko. Trisha, Maha--" "You're lying!" Napabitaw din siya sa pagpupumiglas ko. "Sinungaling ka! Hindi mo ako pwedeng mahalin. Hindi pwede. Naiintindihan mo ba yun? HINDI PWEDE." Wala na. Tumulo na siya. Bumigay na ako. "Luke naman, lalo mo akong pinapahirapan. Tama na please. Ayaw ko na. Nasasaktan na ako. Sobra na, Luke." Bigla niya akong Niyakap. "Ssssshhhh." Wag. Wag. "Trisha." Luke wag. Mas pinapakita mo sa akin na Dapat kitang ipaglaban. "Trisha, when the plane crashed. When we're stuck in that island. When there's no other people than us. That's the best 26 days I ever experienced." Nakapikit ako, dahil maging ako, yun ang the best 26 days. "Trisha, kaya natin to. Kaya natin to, without them, without the media, without Molly.... Kaya nating dalawa to."