Hi! I'm Alpha Gale Samonte. Ano pa bang sasabihin ko? Ah! Alam ko na! Ako lang naman ang sinaktan, pinaasa, niloko etc. ng isang lalaking minahal ko. Nung una naman mahal na mahal niya ako at alam ko sa sarili ko na totoo yun pero nang lumipas ang mga araw, bigla siyang nagbago. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali. Ang alam ko lang, sobra ang nabigay ko sa kanya na pati virginity ko, muntikan niya nang makuha sakin. Nakakainis naman kasi siya eh! Ang daming pwedeng lokohin na babae, bakit ako pa? Mabait naman ako, mapagmahal. May mali ba sakin? Ang sakit lang kasi dahil ako'y "umasa tapos iniwan"
12 parts