This is Carlo's story. Ang taong ini-embrace ang pagka-trauma sa pag-ibig. He fell in love big time pero natuldukan din eventually. Hindi naman niya pinagsisisihan ang mga nangyari pero para sa kanya sapat na iyon para hindi na muna magmahal. Nakasara ang pintuan. Wala na muna sa vocabulary ni Carlo ang relasyon, lalo pa at masyado siyang apektado sa mga kinahinatnan ng mga relasyon ng mga taong nakapaligid din sa kanya, gaya nalang ng pagkaka-divorce nang parents niya at ang walang habas na pagpapalit-palit ng boyfriend ng pinakmamahal niyang bessie dahil suki ito ng breakups recently. Kelan kaya ulit titibok ang malamig ng puso ni Carlo? Sino ang mangangahas na magsusumiksik sa kakapirasong espasyo na inilaan ni Carlo para sa pag-ibig? Is there really a happy ever after? ;)