Ang akala ni Venson Pol ay wala nang patutunguhan ang nabubulok niyang buhay. Sunod-sunod na sakit sa ulo, sari-saring bisyo, problema sa lovelife, problema sa pamilya, at higit sa lahat, problema sa sarili.
Nasa kaniya na ang lahat ng kamalasan, ikanga.
Sa kalagitnaan nang unti-unting pagkawala ng landas ay makakatagpo siya ng babaeng taliwas sa nakagisnan niyang mundo.
Makakaya kayang mahalin ang tulad niya na walang maipagmamalaki? O makakaya ba niyang magpahalaga kung buhay niya'y walang rin namang saysay?