Nang nakipag-hiwalay kay Anthony ang girlfriend nya for five years, he shut himself down inside a different world kung saan pinili niyang isipin na lang ang sarili. He hated her pero mas galit sya sa sarili dahil inisip niyang hindi niya naibigay ang lahat para kay Elisse kaya mas pinili nitong iwan siya. He was fairly okay at chill lang until nag-krus ang landas nila ni Kirsten Delavin. Probinsiyana, inosente at may gustong marating sa buhay si Kirsten kung kaya't pinag-buti niyang makatapos at makakuha ng scholarship sa kolehiyo. Matagal na panahon na buong tapang niyang hinaharap ang hamon ng mahirap nilang buhay at laging positibo sa lahat ng bagay. Pero bakit ng dumating si Anthony sa buhay niya ay tila nagulo ang mga bagay na matagal ng nakaplano sa utak niya? Bakit kapag kaharap niya ito ay naduduwag siya sa presensya nito? Bakit sa kabila ng pinaniniwalaang lakas ay nanghihina ang buo niyang katawan kapag malapit ito sa kanya? Bakit sa kabila ng lahat na hindi niya gustong gawin kasama ito ay hindi niya magawang umalis sa tabi nito? Bakit sa kabila ng kahinaang dinudulot nito sa kanya ay ito rin ang lagi niyang tinatakbuhan? Subaybayan natin ang kwento ni Tony at Kisses at sana gaya ko ay patuloy tayong maniwala sa lahat ng hamon ng buhay, kailangan lang nating maniwala na kung mag-mamahal at mag-mamahal tayo ay may ngiting babati sa atin sa bawat araw.