Hinigpitan nya ang hawak nya sa braso ko upang mahila nya ako at iharap sa sarili nya. Kitang kita ko ang sarili ko sa mata nya dahan dahan nya akong binitawan at hinawakan ako sa magkabilang balikat "Sino ang pipiliin mo? Ako o sya?" Tanung nya. Hindi ko sya masagot dahil mismong ako ay nalilito sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Pinagmumukha ko ba silang tanga o pinapaasa ko ang isa sa kanila? "Answer me!" He yell at me making me stare at him. Tinititigan nya ako na parang may ginawa akong malaking kasalnan. "I'll ask again," He said trying to calm himself. Tinititigan ko ang kanyang mga mata. Pansin ko na pinipigilan nyang tumulo ang mga luha nya. "Sino ang pipiliin mo? Ako ba o siya?" Tanung niya ulit. Tiningnan nya akong mabuti. "Siya." I mutter under my breath as I felt his grip slowly letting go making me look at him. He look at me with his cold staring eyes. He removed his hands and turned his back and started walking away.