Hindi akalain ni Kenjie na muli pang magtatagpo ang mga landas nila ni Zac - ang lalaking tumulong sa kanya matapos pumutok ang gulong ng sinasakyan niyang bus. Sa muli nilang pagkikita ay hindi na siya nito tinantanan, bagay na ipinagtataka niya. Ang alam niya, napilitan lamang itong pasakayin siya noon. Pero bakit ngayon ay naka-monitor ang lahat ng kilos niya? Daig pa nito ang bodyguard kung makabantay ito sa kanya. Sa tingin niya ay natsa-challenge lamang ito sa kanya. Panay kasi ang panonopla at pagtataray niya rito. Hanggang sa ipakita nito ang larawan niyang nakalagay sa picture holder wallet nito... Ano kaya ang mangyayari sa pagtatagpo nilang ito?