Tunay na pag-ibig kapag umiyak ang lalaki. 'Yan ang laging sinasabi sa 'kin ni Papa noong nabubuhay pa siya. Ako si Kat, 27 years old, at isang strong, independent woman. Strong dahil ulila na ako pero nabubuhay pa rin ako nang matiwasay at masaya. Never nadala sa ospital. Never nagkasakit na lumampas ng isang araw. Independent. Yes. 'Di tulad ng iba, kaya kong mag-isa na masaya. Siguro gano'n talaga kapag malapit ka ng mag-trenta pero NBSB ka pa rin. I learned to love myself (or so I thought.)At syempre, a woman. Of course. Isa akong photographer. Kadalasang weddings ang shinu-shoot namin ng best friend ko na partner ko rin sa business. 100% of the time ay wala kaming ibang hawak kundi ang mga camera namin. Pero dahil sa isang lalaki, sa isang kasal, isang gabi, naging 99% of the time na lang na hawak ko ang camera ko. Dahil ang 1% ay ginamit kong panghawak sa kapalaran ng isang heartbroken soul. Yes. Tinulungan ko lang naman ang isang bride at ex-boyfriend niyang mag-taksil sa groom. Alam kong isang pagkakamali ang pagtulong ko sa pagtataksil nila. Pero okay lang. 'Di naman na mauulit 'yon. Pero pa'no kung magkita kami uli ni "ex-boyfriend?" At pa'no kung sa pagkakataong ito, hindi na kami sa groom nagtataksil pero sa "bride?" Papayag ba kong magpaligaw kay "ex-boyfriend" kahit na alam kong si "bride" pa rin ang mahal niya? Papa... pa'no kung 'yong tunay na pag-ibig na nakita ko ay hindi naman pala para sa 'kin?Hay. Sana may facetime din sa langit.All Rights Reserved