37 parts Complete Walang kamalay-malay si Ayeka, isang normal na tao, na mababago ang takbo ng buhay niya sa isang iglap. Sa isang misteryosong pagkakataon, siya ay napadpad sa Frogafiti University-isang paaralan ng mahika kung saan hinahasa ang kapangyarihan ng limang elemento: Apoy, Hangin, Tubig, Kalikasan, at Liwanag.
Dito, matutuklasan ni Ayeka na kahit isa siyang ordinaryong tao, may natatangi siyang papel sa mundong puno ng mahika, lihim, at panganib.
Habang sinusubukan niyang makibagay sa kakaibang mundo ng Frogafiti, unti-unti rin siyang nasasangkot sa isang madilim na lihim-isang banta mula sa "masasamang elemento" na matagal nang nananahimik sa loob ng paaralan.
Handa na ba si Ayeka harapin ang mahiwagang kapalaran niya? O siya rin ba ang susi para muling bumangon ang kadiliman?