Si Kristoff Xavier Acosta aka "Toff". Bente sais anyos. Anim na talampakan ang taas. Moreno. Maskulino. May itsura at may matipuno't malusog na pangangatawan. Palabiro at mapang-asar. Isang binata na iwas na magkaroon ng karelasyon dahil nakatuon ang kaniyang sarili sa kaniyang magulang (Mama) at sa kaniyang bunsong kapatid na babae.
Lingid sa kaniyang kaalaman ay may nagrehistro ng pangalan niya upang mapasama sa TV Game show na Pilipinas Love Story. Isang Game show na nagbibigay daan sa dalawang tao (lalaki at babae) na hindi magkakilala upang maging magkalapit na maaring mauwi sa pagkakagustuhan ng isa't isa.
Ngunit paano kung ang makakapareha niya sa Game show ay taliwas sa babaeng inaasahan niya---si Clariella Pham Henon aka "Clary"; may katangkaran, maputi, makinis, mala-diyosa ang ganda at may mala-anghel ng boses ngunit ubod ng taray at may pagkasuplada. Magkakagustuhan nga kaya silang dalawa kung magkaiba at hindi tugma ang ugali nila sa isa't isa. Manalo kaya sila laban sa labing tatlong pares na kasali rin sa Game show? Tunghayan ang mala-aso't pusang pagsasama ng dalawa. Samahan sila sa habulan, takbuhan, taguan at kung ano-ano pang challenges ng Game show. :)
Let the love begin!
-------------------------------------
"Pilipinas Love Story: Ganda Ni Ate :)"
Trilogy Book Series: Book 1
Iam Kenth ® March 2014 ©
Genre: Romance, Humor, Teen Fiction, AdventureAll Rights Reserved