Alamat ng Lansones Kuwento ni Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Glenda Grace Lapid Sa isang barangay noong unang panahon, may isang burol na ipinagbabawal puntahan ninuman. Sa naturang burol ay tumutubo ang mga punong-kahoy na namumunga ng kulay-itim na prutas na nakalalason. Nang salantain ng bagyo ang barangay at walang makain ang mga tao, isang matandang dayo ang sumubok na kainin ang itim na prutas. Anupa't hindi tuluyang nagutom ang mga tao! Basahin sa makabagong alamat na ito ang pinagmulan ng lansones at kung paanong ang pagkalinga sa kapwa at pagtanaw ng utang-na-loob ay nagdudulot ng matamis na gantimpala.All Rights Reserved