Sa bilyun-bilyong tao na nilikha ng Diyos sa mundo, paano kung isa ka sa mga pinagkaitan ng matitino at mahuhusay na brain cells? Pipiliin mo pa rin ba ang maging engot kung dalawa namang heartthrobs ang sa tuwina ay nagliligtas sayo mula sa katangahang nagagawa mo? O mas nanaisin mo ang magpakahenyo dahil sa kalituhang hatid ng dalawang ito sa iyong puso? Sa kaso ni Mara isang certified engot, suntok sa buwan ang mapansin ng kanyang long time crush na si Elivier. Masaya na sya sa paminsan-minsan nitong pagtatanggol sa kanya tuwing napapahiya sya sa klase. Kahit nga isang nonexistent homo sapiens ang turing nito sa kanya ay kuntento na sya sa lihim na paghanga niya sa kanyang “man of her dreams”. Pero ang dating masaya at kuntento nyang buhay ay biglang nagulo sa pagdating ng hottie teen actor na si Lee. Isang gyera ang ipinatupad niya sa pagitan nila ng mapangasar na si Lee. Ngunit sa kabila ng kanyang paangil na pakikitungo sa binata ay nakapagtatakang lagi pa rin sya nitong inililigtas mula sa kahihiyan. Kaya naman laking gulat niya ng matagpuan ang sarili na gumaganti sa mga halik ni Lee. Oh my gulay! Paano na si Elivier gayong nagsisimula na rin itong magparamdam sa kanya ngayon? Sino nga ba ang dapat nyang piliin; ang lalaking pinapangarap o ang taong sa kanya ay nangangarap? Dito maguumpisa ang paghahanap ni Mara sa happily ever after ng kanyang nakakatawa, nakakagulat, nakakaiyak at nakakakilig na kwento ng pagibig.