[Completed, free and revised version is already posted under Allnovel. If you are interested, you can read it freely by watching ads on the app. Also available in Dreame and Yugto app (under pay-to-read program). See you there!] Problema sa pamilya, bigo sa pag-ibig at kawalan ng gana sa napiling propesyon bilang isang manunulat, pagkatapos nang sunod-sunod na hindi magagandang pangyayari, saan ka nga ba tutungo upang ikaw ay makatakas sa mapait na reyalidad ng mundo? Ano ang gagawin mo upang pulutin ang nagkapira-pirasong bahagi ng puso at pagkatao mo? Kanino ka sasandal upang ikaw ay makahugot ng lakas upang makalimot sa sakit na nadarama at dala-dala mo? After everything that had happened in her life, she's totally at the brink of losing hope and she's literally in depths of despair. Akala niya ay nangyari na ang major plot twist sa buhay niya pagkatapos nang magkakasunod na unos na patuloy na pinagdadaanan niya, pero hindi pa pala, because in the middle of her extreme sorrow, an unexpected thing happened... she literally escaped reality, because she found herself sucked into another world or into the fiction world- inside the story specifically! Doon ay mami-meet niya ang ilan sa mga karakter na gawa lamang ng malikot niyang imahinasyon, kasama na ang pinakapaborito niyang karakter sa lahat- si Rashiel Azul Allegre, na makakatulong sa kanya upang makabangong muli at buuin ang basag niyang pagkatao. Sa pananatili niya sa loob ng istorya ay matatakasan niya ang pait ng reyalidad ng mundo, maghihilom ang ilan sa mga sugat na kanyang bitbit, makakahanap ng kapayapaan at makakatagpo ng kaibigan at pamilya sa pagkakataon at lugar na hindi niya inaasahan. Sa isang iglap ay magbabago ang buhay niya. Hindi lang iyon, sabi nga ng iba, expect the unexpected dahil hindi lang pala ang buhay niya ang magbabago, kung hindi pati na rin ang tibok ng kanyang puso.