Kung ang bahaghari ay may taglay na iba't-ibang uri ng kulay. Ang tao naman ay may tunay rin na kulay. Pero hindi yung literal na kulay ng isang tao. Kundi ay yung tunay na ugali ng isang tao. Sa mundong ating kinagagalawan ay hindi natin maiiwasang makasalamuha ang iba't-ibang uri ng kulay ng isang tao. May kulay na mapagpanggap. Yun bang sa simula lang mabait pero 'di kalaunan ay lalabas din ang tunay na ugali. Mayroon ding sa una ka lang mahal kasi at the end of the day, iiwan ka rin lang pala sa ere matapos makuha ang gusto nila. Pero paano kung sa pagpapanggap na yun ay may taong masasaktan? Yung taong siyang tanging nakakaalam kung sino ka. Yung taong tanging nakakakilala sa'yo sa panahong hindi mo na makilala ang iyong sarili. Yung taong sayo'y may lihim na pagtingin. Yung taong handang magtiis maging masaya ka lang. Yung taong higit pa sa isang KAIBIGAN ang turing sa'yo. Ang sabi ng nakararami ay tunay na biyaya raw na maituturing ang pagkakaroon ng isang TUNAY NA KAIBAGAN na handa kang ipagtanggol kahit pa na talikuran ka man ng mundo. Pero hanggang saan nga ba ang gagawin mong pagpapanggap sa iyong tunay na nararamdaman para sa isang kaibigan?
8 parts