[Ongoing] Highest Rank: #32 in Historical Fiction Everyone has their own way to cope with pain. Some says, time heals all wounds. But what if the wound is so deep that the time you have left is not enough to heal you. Would you take an anesthesia to forget the pain? Meet Red Marasigan. Isang aroganteng tagapagmana ng pinakamalaking Entertainment Company sa bansa. Isang araw bago sumapit ang ika-27 karaawan ni Red ay naimbitahan siya ng kanyang kaibigan na si Mark na dumalo sa unang araw ng artifact show sa isang kilalang museo. Sa lahat ng bagay na nasilayan niya, tanging isang bagay ang nakapukaw sa kanyang atensyon. Tulala lamang siya habang pinagmamasdan ito sa loob ng makintab na salamin. *DUG* DUG* DUG* DUG* pagtalon ng kanyang puso habang pinagmamasdan ang bagay na iyon. Maya-maya ay namalayan ni Red ang pagngilid ng kanyang mga luha sa kanyang mga pisnge. Sa di niya malamang dahilan ay nakaramdam siya ng matinding kalungkutan at pangungulila. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Sa labas ng salamin ay mga katagang, "Ang kampilan ni Lapu-Lapu, 15th Century" Pagkabasa niya rito ay malakas na dumagungdong ng kanyang dibdib. Kasabay nito ay unti- unti siyang nakarinig ng mga yabag ng kabayo na papalapit sa kanya. Pabilis ng pabilis ang kabog ng kanyang dibdib. Palakas ng palakas ang yabag ng mga kabayo. Unti-unting lumalabo ang kanyang paningin. Umiikot ang kanyang paligid. Iniiling niya ang kanyang ulo na animo'y gustong magising subalit unti-unti siyang nilalamon ng mga imaheng kanyang nakikita. Dahan- dahan siyang napaupo habang nakasabunot sa kanyang ulo. Bago magsara ang talukap ng kanyang mga mata ay nasilayan niya ang malabong imahe ng isang babaeng nakabihis pangtribo. Sino ang babaeng iyon at ano ang kaugnayan ni Red sa Kampilan ni Lapu- Lapu? Can oblivion be the cure to heal the wounds of the past? ABANGANNNN! ----------------------------------------------------- Date started: March 1, 2018 Date finished:All Rights Reserved