Okay, so. Alam kong nangako ako kay Liam na hindi ko sasabihin sekreto niya kahit kanino. Pero namaaaan. Paano ako titira dito kung isang super gwapong lalake, at hindi pala isang weirdong nerd ang makakasama koooo? Kasi naman Megan ehh! Anong nangyari sa don't judge the book by it's cover?! - Meg
Simple lang naman ang gusto ni Megan. Ma-experience ang masaya, exciting, at semi-independent college life na palagi niyang naririnig. Kaya sobra na lang yung tuwa niya nang pinayagan siya ng kanyang mga magulang at hinanapan pa mismo ng magiging dorm niya.
Pero bakit sa isang iglap lang, nagbago from being perfect to perfectly complicated ang sitwasyon ni Meg? Paano nangyaring sa isang apartment siya ng isang schoolmate nakikituloy ngayon? Not to mention, yung schoolmate niya na nagpapanggap bilang isang loner na nerd pero mala-artista pala ang kagwapuhan. Minus the attitude nga lang.
So dahil good girl siya at walang komplikadong sitwasyon pa ang nakakapagpatumba kay Megan Ysabelle Gomez, she decides to stay. And.. enjoy the ride? Cue isang malalim na buntong-hiniga. As if may choice pa siya.All Rights Reserved