"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hindi ko siya gusto at napilitan lang akong makasal sa kanya. Pangalawa: Naging magkaibigan kaming dalawa. Pangatlo: Unti-unti, nagugustuhan ko na siya at nasasanay na akong kapiling siya. Pang-apat: Lumalalim na ang nararamdaman ko para sa kanya to the point na gusto ko ng totohanin ang lahat ng meron kami. Panlima: MAHAL KO NA TALAGA SIYA. Pang-anim: Unti-unti kong nalaman ang mga lihim sa pagkatao niya. Pampito: May mahal siyang iba Pang-walo: Gusto ko ng kumawala mula pag-ibig na walang kasiguraduhan pero hindi ko na alam kung paano. Pang-siyam: ANSAKIT NA! Pang-sampu: Sana ako ang piliin niya... Ikinasal kami ng hindi ko siya gusto at mukhang maghihiwalay kami na mahal.ko na siya... (A/N: Alow! Hehehe.... second story ko po ito at boy at girl ang bida talaga dito. Hahaha... siguro ito 'yong side ng pagiging babae ko pa rin? Ewan. Sana magustuhan niyo po.)