Si Aisha Helena Herrera ay isa lamang sa sampung tao sa buong mundo na walang kakayahang makaramdam ng kahit anong emosyon. Mahilig magpinta at hindi alam na ang pamilya niya ay mga kilalang pintor sa Europa at Asia. Sa dalas niyang pakikipag-usap sa mga bituin, ulap, araw at buwan, para bang kilala na siya ng mga ito. Matalik na kaibigan niya nga ang kalangitan, dahil dininig nito ang hiling niyang hindi niya kailanman binanggit dito. Ang makaramdam, at malaman kung anong pakiramdam ng isa sa mga magagandang emosyon na nararanasan ng mga tao- ang magmahal nang dumating si Andronikus Del Cielo.