10 Bagian Lengkap DewasaHindi ako sigurado
kung magagawa nitong baguhin
ang pananaw mo
sa kung ano ang pagtingin mo sa mundo,
pero kung uunawain
at babasahin mo ito, maaring
makaapekto nga ito.
Hindi nito maipapangakong
mapapagaan ang buhay,
pero hayaan mong bawasan
nito ang mga balakid gamit
ang mga salitang nakapaloob dito.
Hindi nito kayang baguhin
ang mundo mo,
pero hayaan mong
dalhin ka nito
sa hindi pamilyar na mundo.
Hindi alam ng mundo
kung ano ang mga pinagdaanan mo,
pero hayaan mong kunin ko ang diwa mo
para kumuha ng mga aral
na babago sa pananaw mo.
Tara pagalingin natin ng mga salita ang mga dalita.