Marami paring tao ang umaasa na magugustuhan sila ng mga taong pinapangarap nila. Marami parin ang hindi nagsasawa na kumakapit sa mga tyempo at chansa, na sa pagitan ng "possible nga" at " wala namang pag asa", mas pinipili nilang pumagitna sa "malay mo naman diba?". Sa paglipat ng desperadang dalagang probinsyanang si Nica Elijah Acosta sa Haven Academy, makikilala at mahuhulog ang loob niya kay Yuan Go, isang binatang maginoo wt mabait sa kanya pero hanggang kaibigan lang ang kayang ituribg sa kanya. At di maglalaon ay malalaman niyang ang kababatang minahal niya noon, ay siya rin palang mamahalin niya ngayon. Paano sila madedevelop sa isat isa? Magnanago kaya ang pagtingin ng bawat isa sa kanila? Mahuhulog ba silang dalawa sa isat isa? O isa lang sa kanila ang patuloy na aasa? Handa kabang umasa kung alam mong malabo namang maging kayong dalawa?