An ordinary girl named Erin was so loved by the the Almighty because she was so vulnerable. Even destiny turned jealous of her. In this world, where everyone turned their back on her... an unexpected person will come in her life. Will that person save her or let her die? "Bakit ganito?! Ano bang ginawa ko sa past life ko at pinahihirapan ako ng ganto?!" Inis na sabi niya sa sarili. "Ay palaka ka!" Sigaw niya nang magulat dahil may matandang tumabi sa kanya. Tumawa ang matanda ng mahina. Tumayo siya dahil natatakot siya at baka kung ano pa gawin nito sa kanya. "Siguro... nagtataka ka kung bakit. Pero dadating ang araw, malapit na. May dadating na isang kakai-" "Ay, ayoko po magpahula at isa pa wala po akong pambayad. Alis na ho ako." Sabi niya habang inaalis ang pagkakahawak ng matanda sa kamay niya. "Magingat ka. Maaksidente ka pag tinanggap mo ang trabahong--" "Blah blah blah!!!! Lola, ayokong makinig sa hula niyo." Tumakbo siya palayo. Nilingon nya ang matanda pero wala na ito sa upuan nito. Ilang saglit palang, nawala agad ito. Kaya mas lalo siyang natakot.