Pearlamira Perlas Alcantara. Isang babaeng simple lamang ang pamumuhay. Hindi niya alintana ang pagiging mahirap sa pagtupad ng kaniyang pangarap na maging isang Arkitekto. Love is not even also in her priority list. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay aksidente niyang nakita ang isang lalaking nakahandusay sa buhanginan na walang malay at maraming galos. Ang lalaking hindi niya inaasahang magpapatibok ng kaniyang puso. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niyang ang lalaking ito ay iba sa inaasahan niyang pagkakakilala rito? Ang lalaking magdadala sa kanyang kapahamakan at magdudulot ng sakit sakanyang puso? Paano niya ibabalik ang tiwalang sa simula pa lang ay sinira na ng kasinungalingang ito? Ipagpapatuloy pa ba niya na mahalin pa ito o tuluyang ibaon nalang ang unang pag-ibig niya sa limot?