https://www.ebookware.ph/product/my-trending-affair/
"Kung desidido ka, desidido rin ako. Kung hindi pwede ang sinasabi mo, ang sagot ko sa'yo, hindi pwede yang hindi pwedeng sinasabi mo."
Luhaan, walang pera, nag-iisa't walang kasama. Iyan si Matilda nang umalis ng probinsya.
Masaya, milyonarya, may batang kasama. Iyan na si Matilda nang umuwi sa kanila.
Lahat nagtataka. Ano ang nangyari? Paano siya nagkapera? Sino ang bata?
Lahat may kanya-kanyang haka-haka.
Pero si Leandro, iba ang paniniwala. Kahit ilang beses niyang itinanggi, ipinipilit ng lalaki na anak nila ang bata, at hindi raw ito papayag na hindi siya muling makuha.
Ha! Ano siya, bale! Magdusa ito, pero hindi na siya ulit magpapauto...
"Umayos ka, Matilda, hindi ka na teenager..... Milyonarya ka na...." paalala niya sa sarili.
Pero shutek na malagkit, paano ba niya iiwasan ang loko-loko, eh, bukod sa disedido itong tuklasin ang totoo, mas lalo pa itong naging gwapo, macho at bumango?
Lucia just wanted a simple and quiet life, but because of her mother's decision everything changed. Will her mother be able to control her when the person who will love her has something to do with her mother's past?
***
With a beautiful face, well -shaped physique and a perfect career, those are the qualities that a Lucia Rodriguez has, known in the world of modeling. Ngunit sa kabila ng magarbo at grandiyosong buhay at karera ay ramdam pa rin niya ang kakulangan sa kanyang pagkatao. Kaya naman nang umuwi siya ng Pilipinas upang mag-bakasyon, doon niya makikilala ang lalake na magkakaroon ng parte sa kanyang pagkatao.
Valentin Stavros, comes from the Romero Clan. Isa sa mayamang angkan sa bayan ng Funtago, makapangyarihan at respetadong Gobernador ng lalawigan ng Quezon Province.
Sa mundo na ginagalawan nila. Sa mundo na maraming mata ang nakamasid, naghihintay sa kanilang pagkakamali at pagbagsak. May lugar ba ang mga pusong kapwa naghahanap ng kanilang kakulangan sa buhay? Will Lucia fall for his way of branding her? Ano ang mas mangingibabaw? Alin ang susundin? Ang idinidikta ng isipan o ang itinitibok ng puso?
Highest rank achieved:
#3 in generalfiction out of 13.7k stories.
#10 in romance out of 187k stories.