Hindi ko alam kung paano sisimulan, Itong tula na alam kong kahit kailan hindi mo babasahin Ngunit sa kabila non ay umaasa pa rin na sana'y balang araw ako'y iyong hahagkan, At sasabihin mong "hinding hindi kita sasaktan" Ito na naman ako nag-iilusyon, Nagpapadala sa aking emosyon Masaya lang kasi ako pag binabanggit ang pangalan mo, Hindi mapakali itong puso ko Hindi ko alam kong paano, Paano ibabaling sa iba itong isip at puso ko Bakit ganito na lang ang epekto mo? Dahil ba kung mahalin kita'y ganito? Ikaw ang nagbibigay buhay, Sa mundo kong minsa'y matamlay Ikaw ang aking pangarap, Na pipiliting abutin kahit mahirap Ng minsa'y tayo pinagtagpo Daiig ko pa ang nanalo sa isang palaro Labis ang aking tuwa Kahit na alam kong hindi mo ko kilala Ngunit dapat ba talaga ako maging masaya?, Na marami kaming iyong pinapasaya?, Alam ko wala akong karapatang magselos, Kahit dito sa puso ko'y tagos na tagos Pilit na nagbubulagbulagan, Kahit na nahihirapan Ngunit bakit hindi ko maiwasan, Ang lungkot na aking nararamdaman Ang sakit isipin na bumabalik balik ka hindi para sa akin, Bumabalik ka kung hindi para sa amin Oo marami kaming nagpapakatanga sayo, At marami rin kaming pinapaasa mo Hindi ko magawang magalit, Kahit na ang puso'y nagpapakasakit Sino nga ba naman ako?, Na hamak lamang na tagahanga mo Hindi man kita matatawag na akin, Ngunit pilit pa rin pinaglalaban na kung anong meron dapat sa atin Masaya ako pagnakikita kita, Pero mas sasaya ako kung kapiling kita Kung mangyari man na bumaliktad ang mundo, Na ikaw naman ang magiging tagahanga ko At ako naman ang iyong iniidolo Huwag kang mag-alala dahil hindi ko ipararanas sayo Ang sakit na minsa'y dinanas ko Hindi ako titigil sa aking imahinasyon, Kasi nagbabakasakali na ang mundo'y umayon Diringgin ang panalangin, Na ika'y magiging akin Umaasa ako na sana'y sa bandang huli hahawakan mo ang kamay ko, At ipagsisigawan mo sa mundo Na ika'y masaya kasama ako Na saba'y nating haharapin ang panganib dito sa mundo