Piper Zamora was never a satisfaction to her family. Pakiramdam niya kasi ay kahit na anong gawin niya ay mali. Lahat ng sabihin niya, hindi makabuluhan. She's always a disappointment. Ganunman ay handa pa rin siyang gawin ang lahat para sa mga ito. Piper loves them more than anything though she yearns for them to be proud of her, even just once. Pero ng natuto siyang magmahal ay sa isang iglap, nabali ang mga pananaw na 'yon. Hindi man galing sa sariling pamilya, sa wakas, naramdaman niyang may nagmamahal sa kanya. But the catch is, alam niyang hindi magiging sila sa huli. Iyong kahit saang anggulo mo tignan, hindi talaga pwede kasi magkaiba sila. At ang pinakamasakit ay ang katototohanang pansamantala lang ang lahat ng ligaya.
Ngunit paano kung dumating ang oras na papiliin siya? Sinabi na rin niya noon na handa siyang gawin lahat para sa pamilya niya ngunit paano kung ang kapalit ay ang lalaking minamahal niya?
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.