Sa simula palang alam ko na na hindi niya ako mahal. Pero umasa padin ako. Akala ko kasi ang buhay ay parang storya sa isang libro. Na kapag ipinag laban mo ang pag mamahal mo ehh mag wawagi ka talaga sa dulo. Pero hindi naman ito storya sa isang aklat. naka tira ako sa reyalidad at hindi sa isang ilusyon o mundo ng isang kuwento. Na kung may storya man ako ay hindi ako ang may kuntrol nito kasi hindi sinusulat ang kapalaran natin sa realidad. At sa reyalidad na ito na sa mundo ng reyalidad ay hindi ako ang mahal ng taong mahal ko. At wala akong magagawa kasi hindi naman ako ang may kuntrol sa mga nang yayari sa buhay ko at hindi naman ako ang iniibig ng taong mahal ko. Ako nga pala si Axiesse Yan Mendez, nag mahal- ng taong hindi ako mahal ipiglaban- kahit masakit at kahit ako lang ang lumalaban Umasa- umasang makikita niya ang aking halaga nasaktan- para naman akong nasasaktan ehh hindi lang halata dahil ayaw kung makita nilang nasasaktan ako habang ipinapag laban ko ang pag mamahal ko kay. Ace Azel Reyes- na siyang dahil kung bakit ako nasasaktan ng bungang bungga ngayon. Hindi ko din alam pero mahal ko talaga siya. Kahit subrang sakit na. Kahit parang hindi kona kaya. Pero kinaya ko para sa kanaya. pero hindi naman ako ganon ka tanga at ganon ka martir may kungting pag mamahal din naman ako sa sarili ko na siyang dahilan kung bakit ako sumuko kahit masakit subrang sakit at parang mamatay ako ay kinaya ko naman. Kinaya ko naman para sa sarili ko at para sa magiging mga anak ko.