Ang mga 'love letters' ay ginawa upang maparamdam ang importansya at pagmamahal sa isang tao, hindi para manakot. Simula nang makatanggap si Julia, ang Ms. Nobody ng paaralan, ng lingguhang 'love letters' wala na siyang ibang magawa kundi humingi ng tulong sa Mr. Bad boy ng paaralan na si Daniel. Hindi normal ang natatanggap niyang letters sapagkat ito'y naglalaman ng mga di kaaya-ayang bagay na gusto gawin kay Julia. Si Daniel lang ang natatanging pag-asa niya, dahil siya din ay nakaranas nang makatanggap ng "Red Letters". "Pag ikaw ang nakatanggap nito, wala ka nang kawala." -Daniel