Highest Rankings: #1 in Cure #5 in Fear #25 in Werewolf #95 in LoveStory [COMPLETED] "Kahit ba imortal siya at mortal ako. Handa akong sumugal sa relasyon naming 'to." - Reign Flores Naniniwala ba kayo sa mga 'werewolf' o mga 'man-wolf'? Ako, dati, hindi. Pero ngayon, oo. Dahil ako mismo ay nakakita na at ang mas malala, minahal niya ako. Ang sabi nila pag mahal mo, tanggap mo siya sa kung sino siya o sa kung ano siya. Pero paano ko siya mamahalin kung nananaig ang takot at galit dito sa puso ko? Paano ako magmamahal ng isang nilalang, na alam kong sa tuwing sasapit ang hating-gabi, ay nagiging isang hayop na nangangain ng tao? At.... makakaya ko pa ba siyang mapatawad sa nalaman kong naging parte niya sa nakaraan ko? Ako si Reign Flores. At ito ang kwento ko kung saan nagmahal ako ng isang kalahating tao at kalahating lobo.