Ang akala ko ay kilala ko na ang mga tao na nasa paligid ko. Akala ko tama ako ng pagbabasa sa mga tao, pero isa pala akong malaking tanga. Dahil iyong mga taong iniisip kong nasa panig ko ay siya pa pala ang ta-traydor sa akin. At iyong nag-iisang nagmamalasakit naman ay siya pang kinamumuhian ko. Aster, died because of me. Namatay siya para iligtas ako. At sa kahuli-hulihan niyang hininga ay mas inaalala niya pa rin ako kaysa sa sarili niya. He was my abductor. Ang akala ko ay ikinulong niya ako dahil gusto niya akong itali, kontrolin at ilayo sa mundo. But I was all wrong. Huli ko na lang nalaman na pino-protektahan niya lang pala ako. Pino-protektahan niya ako sa mga totoong tao na nananamantala sa katangahan ko. And it was too late for me to know the truth. After Aster had died, I faced the death itself too. Hindi ko kinaya ang pagka-konsensiya kaya naman tinapos ko ang sarili kong buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa bangin. Yeah I died too. But instead of really dying, I found myself in the arms of Aster once more. Nakabalik ako sa panahon bago ko pa masira ang lahat ng plano niya. A second chance in life. Dahil doon ay babaguhin ko ang kwento ng buhay ko. Babaguhin ko ang naging ending ng istoryong binuo sa kasinungalingan ng mga taong pinagkakatiwalaan ko. Sisiguraduhin kong ako naman ang po-protekta kay Aster. Hindi ako papayag na mamatay ang taong tunay na nagmamahal sa akin, sa ikalawang pagkakataon. ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ All Rights Reserved @TwinkleBhernz ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ