Ang buhay ni Mary Rose ay puno ng masasayang ala-ala na ginuhit niya sa mga nangungunang pahina ng libro ng kanyang buhay. Ngunit paano kung may mga pangyaring maging dahilan na mabahiran at unti-unti nang makalimutan ang masasayang naiguhit sa unang pahina ng libro? Makakaya niya pa kayang lampasan ang hirap ng buhay gayong ang librong patuloy niyang ginuguhitan ay halos mapuno ng pait at mga hinanakit sa buhay? Paano kung ang taong pilit na naging dahilan na mabura ang mga iginuhit niya ay isang taong itinuturing niya na kanyang Super Hero? Paano kung ang lalaking inakala niyang iintindi sa kanya ay susukuan siya? Makakaya niya pa kayang tumayo sa buhay at makita ang taglay nitong kulay? Subaybayan ang pakikipagsapalaran ni Mary Rose sa mapaglarong guhit ng buhay kasama ang kanyang mga kapatid na sina Maria Fe, Rosalyn, Felicity at Felix Rio.