Love Links 7: You Are My Dearest Prescription [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
40 capítulos Concluído Black Eclipse-ang bandang namamayagpag noong highschool si Ran. Di niya sukat akalaing magiging malapit sila ni Francis Van Robles-ang lead guitarist at ang pankistang miyembro ng banda. He was bored. She was a natural comedian. Natagpuan nila ang mga sariling nagiging malapit sa isa't-isa nang mag-transfer ang binatilyo sa eskuwelahan ni Ranessa.
Akala ni Ran ay wala nang hahadlang pa sa magandang samahan nila. Handa siyang maging alalay, katulong, bodyguard, tiga-aliw, at sidekick ng lalaki. Pero inalok siya nitong maging girlfriend at tuluyan nang bumigay ang puso ng dalaga. But for some reason, she doubted their relationship. Natuklasan niyang mahal pa rin nito ang ex-girlfriend nito na hindi na nito puwedeng ibigin. Ginawa lang siyang panakip butas ng kumag. She was deeply hurt. Nakipag-hiwalay siya sa binata dahil sa pag-aakalang iyon ang makabubuti para sa kanilang dalawa.
Pagkalipas ng ilang taon, di inaasahan ni Ranessa na makikita niya si Francis sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. The piercings, chains, and rock aura were long gone. Sa halip ay isang disenteng Francis na nakaputing lab-gown at may stethoscope na nakasabit sa leeg ang nakaharap niya. She thought that destiny brought them together again. Nakahanda na siyang sumubok ulit. But Francis welcomed her with an ordinary stare and some big fat news-he did forget about her and he had already a fiancé-Ouch!