Change is constant. Change is the only permanent thing in the world. Change is inevitable... Pero kahit gaano pa natin kaalam na magbabago din any lahat, di pa rin natin maiwasan na magulat, mabigla, malungkot o manghinayang aa pagbabaho. Hindi pa rin natin maiwasan na i-take for granted ang mga bagay sa palihod natin. Nakakalimutan pa rin natin ang magpahalaga o do kaya'y makuntento. At isa yun sa mga bagay na pinagpupuyatan ko gabi-gabi. Bakit nga ba kasi di na lang 'siya' nakuntento sa meron ako? Bakit nga ba hindi nila ako nagawang pahalagahan? Higit sa lahat... Bakit hindi ko na lang tanggapin? Lagi 'kong tinatanong sa sarili ko kung ako ba yung may mali, o yung tadhana? May pag-asa pa ba akong sumaya o ito talaga ang nakatadhana sakin? Ang talikuran ng lahat... pati siya? Ang itulak patungo sa isang mundong malayo sa kinagisnan ko. Ang mapilitang manatili at mag-survive sa isang lugar kung saan ilang beses ko man itanggi ay kinabibilangan ko na... When change starts its phase, you can look back, but the best way to cope up is to move on as well... Easier said than done. Hindi kailanman naging madali na talikuran ang isang bagay o tao na naging mahagi ng buhay mo. Hindi kailanman naging madali na bitawan ang isang parts ng pagkatao natin. Pero kailangan para mabuo tayo ulit. Minsan ang parte na hindi na mababalik at patuloy lang nakakasakit ay dapat ng palitan... marapat ng bitawan. Pero mahirap. Lalo na kung wala kang ibang pagpipilian. Lalo na kung hindi ka sigurado kung paano. Yun mismo ang problema ko. Matapos magbago ng lahat ay wala ng natira saakin. Wala ng dating landas na pwedeng tahakin. Lahat naiba at ngayon wala na ako magawa kundi ang magpatangay sa agos ng pagbabago. Handa na ang maleta, Ewan ko lang sa sarili ko.Gusto ko mang manatili, Hindi na maaari.Noon palang dapat natuto ng mabuhay mag-isa. Kaya bukas itatama ko na itong Mali ko.Para hindi na masaktan sa pagyakap ng pagbabago. Para maiwasang mawasak muli ang puso ito.Wszelkie Prawa Zastrzeżone