Hindi 'to yung tipikal na bakasyon, actually hindi nga 'to bakasyon. Bigla nalang ako pinadala ng boss ko dito sa Ilocos. Sa dami-dami niyang pinapagawa sakin sa office nagawa niya pa ako ipadala dito? Para saan? Para lang daw bantayan ang anak niya. Ano kayang itsura nito? Sumasakit lang ulo ko kakaisip gusto ko na bumalik sa office at umupo saking Herman Miller Aeron Chair. Teka, nandito na pala ang baggage, kukunin ko lang at mamaya na tayo mag usap. Bye.