Teacher, mga nilalang na kadalasang kinaawayan ng mga tamad at lokong estudyante, isa na si Marianna don. For sure, isa ka rin don, tama ba? Isa ang pag-aaral sa pinaka kinatatamaran niyang bagay sa mundo, especially ang pagbabasa ng libro. Kung pwede nga lang niyang sunugin ang librong makikita niya, ginawa na niya. Kung pwede lang niyang pasabugin ang unibersidad na pinapasukan niya, ginawa na niya.
Kaso lang, one day, isang araw, may nangyaring hindi niya inaasahan. Ok, medyo inaasahan na pala niya, pero slight lang. At dahil sa pangyayaring ito, kinailangan niyang mag-stop pansamantala sa pag-aaral at lumipat ng tirahan.
And now, yung mga nilalang na inaayawan niya ay ngayon naging siya. Yes, Korak, Si, Oo, from now on isa nang teacher ang tamad na si Marianna. Let's see kung ano mga katarantaduhan ang ituturo niya sa mga estudyante, lalong-lalo na kay Lorenz.