Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay makaingkwentro ng lalaking hindi mo pa nakikilala pero napakagaling kumuha ng gamit ng hindi naman sa kanya? Pipigilan? Susuportahan? Papabayaan? Ano ba ang tamang salita para mailarawan mo ang kanyang talento? Ha? Talento pa ba ang tawag doon? Mababago mo pa ba ang kanyang nakasanayan kung sakit niya na talaga 'to. "Matatakasan mo pa ba ang mundo niya kung pati ang puso mo'y ninakaw niya na."