There's this girl named "Yumika Raine Santiago" and a guy named "Miguel Vince Jackson." Yumika is also known as 'Mika', for short, and Miguel as 'Miggy'. Si mika ay isang estudyante sa isang pribadong paaralan na kilala sa tawag na "Rivero School" na talaga namang kilalang kilala sa lahat ng teenagers, maging sa matatanda, dahil sa ganda at ayos ng paaralan na ito. Marami ring estudyante ang gusto mag-aral sa paaralang ito marahil hindi lamang magaling magturo ang mga guro ngunit gwapo't naggagandahan rin. Si Miggy naman ay isang guro, sa paaralang pinag-aaralan ni mika, at estudyante niya rin ito. Si Mika ay matangkad at balingkinitang babae, hindi siya ganung kaputi at kakinis, ngunit mala-anghel ang itsura nito, at napaka-masiyahing tao, at the same time, moody. Si taglay niyang ganda at kasimplehan ay may iilan ilang lalaki sa paaralan ang palihim na nabibighani at humahanga sakaniya. Si Mika rin ay isang NBSB o No Boyfriend Since Birth, strikto kasi ang mga magulang nito. Ngunit ganun pa man ay may mga nagugustuhan din naman siyang lalaki, ngunit hindi ganoon kalala dahil, hanggang crush lamang talaga ang nararamdaman niya. Hanggang sa magbago ang lahat ng ito... Nang makilala niya ang isang taong magpapabago ng buhay niya, ang buhay na dati'y wala masyadong saya ay pinunan ng taong nakilala niya. Ginawa niya itong inspirasyon pa lalo sa pag-aaral, sa halip na distraksyon. Tama nga ba ang bagay na ito? O sadyang tadhana lang ang mapagbiro, at sa lahat ng magugustuhan ni mika ay bakit siya pa? At dito na pumapasok ang kaniyang motto in life na... "Ang kailangan mo lang ay huwag masyadong umasa nang hindi masaktan." at "Huwag masyadong magpakalunod, nang sa huli ay hindi mapahirapan ang sarili na muli ay maka-ahon pa."