Lahat ba ng love letter galing talaga sa mga secret admirers? Lahat ba ng love letter puro pampakilig ang laman? What if may ibang nais ipahayag ang nagpapabigay ng love letter? Malalaman mo kaya kung ano? Si Kim ang binansagang queen ng campus. Maganda, matalino at mabait. Isang tao lang naman ang kinaiinisan niya: si Beau, ang rival 'kuno' ni Kim. Kung si Kim ang queen ng campus, si Beau naman ang heartthrob. Gwapo, matalino, at ubod ng yabang. Ang goal niya sa pag-aaral? Ang inisin si Kim, and he never fails to do that dahil mukha pa lang niya, inis na inis na si Kim. Isang araw, nakatanggap ng love letters si Kim at gaya ng inaasahan, the love letter never fails to make her smile. Para na niyang stress reliever ang love letter mula sa pang-iinis ni Beau. Pero love letter nga ba ang kaniyang natanggap? What if may ibang laman ang love letter na hindi niya napansin? What if may iba pang dala ang love letter na iyon, hindi lang kilig? Will she find the meaning of those love letters? Will she find out who the sender is?