May dalawang lalaki sa buhay ni cassandra isang mahal na mahal niya at isang mahal na mahal siya. Sino ba ang pipiliin niya sa dalawa , yung taong kayang gawin ang lahat para sa kanya at laging handang saluhin siya sa oras na bumagsak siya o ang lalaking dahilan kung bakit siya masaya? Mahirap naman kasi talagang pumili sa dalawang lalaking importante sa buhay mo lalo pa at ang dalawang lalaking ito ay ang pantasya ng mga kababaihan sa school niyo. Parang ang hirap ata pakawalan ng isa sa kanila. Kung pwede lang silang dawala nalang eh kaso kailangang mamili.. May masasaktan, may maiiwan... Pero ang pinakamasakit ay ang malamang mali pala ang naging desisyon mo. Na mali ang taong napili mo. Magagawa niya pa kayang mabago ang lahat?