Hindi ko alam kung bakit malabo. Kung bakit lumabo. Akala ko ay hindi na matatapos- Yung mga panahong malinaw pa ang lahat. Nanlulumo ako, at hindi ko matanggap kung bakit nangyari 'to. Anong naging kasalanan ko? Masyado bang nag kulang ako? At hindi naging sapat para iparamdam ang pag mamahal ko? Kay saklap, ngunit malabo. Nung nawala ka, luha sa mata ko ay nagpalabo. Hindi ko na makita ang mangyayari Sapagka't masyadong nagulo ang mundo- Noong ako'y iniwan mo. Sobra akong nabigo. Animo'y gumuguho ang mundo. Wala nang mapaglagyan ang galit ko. Sapagka't natapunan ng sakit na ipinaramdam mo. Bakit biglaan? Hindi ko maintindihan. Kailan ba ang kasagutan? Sana naman unti-unti kong malaman. Ayaw ko mang magpakasadlak, ngunit hindi ko maiwasan. Buong ako'y nadurog. At napuno ang isip ko ng maraming tanong.. Bakit nga ba bigla nalang...Biglaan ka nalang lumabo Hanggang sa ni-anino mo ay unti-unting nawala na... Sa nanlalabong paningin ko.Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang
1 bab