Kabilang sa walong magkakaibigan na bumuo ng isang pangarap sina Wilfred at Rowelyn at isa sa friendship rule nila, bawal ma-inlove sa isa't-isa. Bago pa man magkaroon ng friendship rule, may lihim ng pagtingin si Rowelyn kay Wilfred. Nang magtapos ng pag-aaral ay silang dalawa pa ang nagkasama sa trabaho. Lalo silang nagkalapit pero ingat na ingat si Rowelyn na mahalata ni Wilfred ang lihim niyang pagtatangi rito. Subalit isang babae ang pumasok sa pagitan nilang dalawa. Si Vida na wari ay nagustuhan rin ni Wilfred. Hanggang isang araw, isang shocking na balita ang bumulaga sa kanila. Buntis si Vida at si Wilfred ang itinuturong ama. What if, sa bandang huli ay mapatunayan ni Rowelyn na mahal rin pala siya ni Wilfred? Willing ba silang labagin ang friendship rule na ipinatutupad ng barkada?