Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, nagkaroon ng isang kuwento. Isang pag-iibigan ang nabuo. Kasabay nang pananakop ng mga banyaga ang pambibihag sa puso ng tatlong tao.
Sina Alfredo, Josefa, at Miguel.
Nang taong 1913, maraming mahahalagang pangyayari sa buhay ng mga Pilipino lalo na sa buhay ni Josefa.
Napatunayan ng dalaga na hindi pala madaling umibig sa panahong nagkakaroon ng digmaan. Dito rin naisip ng dalaga kung gaano kalupit si tadhana. Napatunayan niya rin na hindi maiitama ang pagkakamali kung puso ang paiiralin. Higit sa lahat, napatunayan niya na mas nakakalamang at umiiral ang isip kaysa sa puso.
Josefa:
Wala akong ibang hinangad kundi ang sundin ang utos ng aking mga magulang. Ngunit sa pagkakataong ito, handa akong kalabanin sila upang ipaglaban naman ang aking sinisinta.
Alfredo:
Isang hamak lamang akong hardinero ngunit kaya kong ipaglaban ang minamahal ko. Tandaan ninyo, hindi lamang ako ang naging madumi ang kamay sa larong ito. Hindi lamang ako ang naging masama sa kwentong ito.
Miguel:
Lahat ay aking gagawin at hahamakin. Nais mo ng madugong laban, handa akong ibigay iyon, sapagkat iyong pakatatandaan ang akin ay akin. Marami akong salapi, kaya kong baliktarin ang kwentong ating isinasadula.
Ngunit nakapagtataka, ang kwento noon, nakabuo ng isang pagkakamali ngayon.
A girl who named Eshtafania saw a not so ordinary book- the mysterious historical book. Because of curiosity, everything went embroiled.
Ang mga katagang naka-ukit sa unahan ng aklat, ay isa lamang sa naging dahilan kung bakit niya kinuha ito.
Si Eshtafania na nga ba ang susi para maitama ang pagkakamali o s'ya ang magiging dahilan kung bakit mas lalong magugulo ang nakaraan?
Magkatulad nga ba ang kahihinatnan ng kwento ni Josefa at Eshtafania o sadyang magkatulad lang sila ng kapalaran?
Highest Rank Achieved:
#17 (December 01 2018)
#25 (October 08 2018)
#26 (May 23 2018)
#29 (May 14 2018)
#41 (April 30 2018)
#55 (April 25 2018)
BABALA📌
📌Ang istoryang ito ay galing lamang sa imahinasyon, maraming mga istoryang tungkol sa kasaysayan pero magkakaiba naman ang mga naiisip ng mga author.
📌Ang istoryang ito ay tungkol sa babaeng nakakaranas at nakakakita ng mga kalupitan sa mga lalaki at nais niyang sana ay noong sinaunang panahon na lamang siya pinanganak, ano kaya ang matututunan niya once na nandoon na siya sa kaniyang pinapangarap na mundo? Magbago kaya ang kaniyang pananaw? Mahahanap naba niya ang kapayapaan, kasiyahan at pagibig?.
📌Pasensya kung mayroong mga errors sa aking kwento at nais kong wag nalang mag comment ng mga bad ang mga taong ayaw sa ganitong klaseng istorya, at kung maaari ay ibang kwento nalang ang inyong basahin yun ay kung ayaw nyo lang talaga ng mga ganito HEHEHEHEH and yung mga pictures po ng muka na nilagay ko ay galing AI lamang
⚠️PLAGIARISM IS A CRIME⚠️
Do not copy or Narrate without
Author's Permission ⚠️
📌Ang mga pangalan,lugar at pangyayari ay pawang kathang isip lamang at uulitin ko... Ang ginawa kong istorya ay hindi kagandahan,nais kolang kasi din ishare ang aking mga naiimagine HEHEHEHEHEH
📌Natutuwa akong basahin nyo ito at sanay magustuhan ninyo kahit hindi naman kagalingan ang aking gawa.
Title
📌DISENLAMIN
Author
📌@Cutieesyopaw