Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman. Na tila ba wala itong katapusan. Na tila luha ang kapalit ng pagsasakripisyo ng paghihirap. Na tila pag-iisa ang mararamdaman kapag iniwan ka niya. Ang lahat ay dapat may pagbabago, ngunit ang kalungkutan at sakit ay tila walang katapusan.